Sunday, September 13, 2009

Wikang Filipino: Wika mula Baler hanggang Buong Bansa

Wika?? Ano ba ang ibig sabihin ng wika para sayo? Alam naman natin na ang wika ay napakahalaga sa ating mga Pilipino. Maraming wika dito sa mundo, may Ingles, may Espanyol, may Tagalog, may Japanese at iba pa. At ang Ingles ay para sa mga Amerikano, Espanyol para sa mga Espanyoo, Japanese para sa mga Hapon at Tagalog naman para sa mga Pilipino. Ano ba talaga ang halaga ng wikang Filipino para sa atin?

Alam naman natin ang wika ay mahalaga. Pag walang wika hindi tayo makakapag-usap. Hindi natin maipapahayag ang ating hinanaing at karapatan, sa madaling salita ito ay siya nating ginagamit sa paglaganap ng pagsasalita. At ang wikang Filipino ay siyang tanging ginagamit ng mga Pilipino. Kaya madali lang tayong nakikilala ng mga turista, unang-una na sa mga kultura at kaugaliang Pilipino. Tulad ng hospitality natin, ang mga pagkaing kakaiba tulad ng adobo, pinakbet, dinengdeng at iba pa. Ito ay ating yaman. Ito rin ang ating tatak. Para sa akin ang wikang Filipino ay susi sa Pambansang Identidad o Pagkakakilanlan. Nakikilala tayo dahil sa wikang Filipino.

Kaya tayong mga Pilipino, gamitin at tangkilikin ang sarili nating wika, ang wikang Filipino.

1 comment: